Friday, July 29, 2005

PAGDADA

isang komento sa blog ko:

[i]kul ka lang.wala ka din namang magagawa sa kadadada[/i]


taliwas sa iyong paningin, kung sino ka man, hindi ito pagdadada lamang. isa itong pagsusuri sa mga kaganapan. kung may pagsusuri, may nagagawa. nagsisimula sa pag-iisip tungkol sa mga nagaganap ang isang pagkilos. inutil ang pagkilos nang walang pag-iisip o pagsusuri.

sa malamang, puro letra lang ang makikita rito...kaya siguro sa tignin mo, puro ranting lang ito. wala kang konkretong nakikita kaya akala mo, daldalan lang ang labanan dito. iyon ang akala mo. para mo na rin sinabing walang silbi ang media dahil puro pagdaldal lang ang alam nito.

isang mainam na kasangkapan ang pagsusulat sa pagpapalaya ng bayan. hindi man ito ang tanging paraan, isa itong daan para sa pagmumulat ng masang patuloy na naaapi. kung makikita nila ang kanilang sitwasyon base sa paliwanag na naisulat, hindi ba't mas maiintindihan nila ang kasalukuyan at magpapatuloy ito sa paggawa ng konkretong aksyon para sa hinaharap?

mag-isip ka muna. paagnilayan mo ang mga pangyayari. pagkatapos nun, subukan mong isulat ang iyong opinyon. baka ikaw ang maging kul ang pakiramdam.

2 Comments:

Anonymous katherine said...

napakaganda ng sinabi mo. pero iyung nasa taas, awala akong masabi!

10:36 AM  
Blogger Tsarlz said...

salamat sa iyong pagbati. spammer yang nag post ng health churva na yan. nakakainis nga e. hayaan mo at buburahin ko.

12:19 PM  

Post a Comment

<< Home

kinuhanang saglit

byoldal na walang kapanahunan
My Photo
Name: Charles Ramota