Saturday, December 04, 2004

importansya ng pagkakaibigan...

sa isang organisasyon, kalipunan, o kung ano pa mang kilusan, importante ang pagkakaibigan.

kapag isinailalim sa mga striktong batas at istriktong paggawa ang pagkatao ng mga kasapi sa isang organisasyon, malamang ay maging sablay ang organisasyong ito.
malamang marami ang kokontra sakin sa pahayag na ito.

hindi ko inaalis ang importansya ng mga batas sa isang kalipunan. sa kahit ano pa mang organisasyon, marapat lang talaga na may disiplina, lahat may batayan. subalit ang HINDI DAPAT mangyari ay gumalaw ang isang organisasyon batay na lamang sa kung ano ang nasasaad sa batas. ano ang ibig kong sabihin? ang mga batas ay nariyan upang gumabay lamang. hindi sila nariyan para maging mga instruksyon sa tao. ang tao ang nasa ibabaw ng batas. oo, walang silbi ang batas kung hindi isasapraktika subalit lalong hindi maganda kung gagalaw na lamang dahil may batas.

siguro malabo para sa karamihan ang pahayag kong ito. ewan ko, parang ang hirap talagang ipaliwanag.

balik tayo, bakit ko nasabing malamang ay maging sablay ang organisasyon sa ganong siste?

kawalan ng pagkatao - ito ang pinakamaling problema. sa batas, walang mga tawanan, mga ngitian, mga lungkot, mga tampo, mga bagong kaisipan, mga ideya, mga absurdong pag-iisip, mga radikal na iseya, walang pagkatao. sa pangkalahatang pananaw, tila lumalabas na pinababansot ng batas ang tao kung gaya nga ng nabanggit ko kanina, puro batas na lamang.

para sa isang organisasyon na nagtataguyod ng boses ng masang-api, importante ang mga ito. hindi kailanman dapat ihiwalay ng organisasyon ito ang kaniyang sarili sa masang pinaglilingkuran. kaakibat nito, sa loob mismo ng organisasyon dapat nakikita ang katangian na hindi dapat watak-watak ang mga kasapi. hindi dapat nagkakaroon ng gap dahil lamang sa mga alitang bungsod ng "pagsunod sa batas". ito ang dahilan kung bakit nagiging sablay. paano makikisalamuha sa masang api kung sa mga mismong kasama sa organisasyon ay hindi kayang makisalamuha dahil sa tinatawag na "propesyunal" na pagsasama?

importante pa rin ang pagkakaibigan. kung ang ikinatatakot ng iba ay parang walang mararating at puro tawanan na lang, nagkakamali kayo. para sa'kin, mas magiging produktibo ang isang organisasyon kung may pagsasama sila sa personal na nibel. isa pa, kung talagang magkakaibigan ang nasa loob, sila-sila rin ang magwawasto ng kanilang mga sarili sa halip na kunsintihin ang bawat isa. gugustuhin ng isang tunay na kaibigan na maging mas mabuti ang kaibigan niya.

bukas sa inoyng mga komento ang pahayag na ito.

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

para magkaron naman ng silbi ang blog mo, magcocomment ako.hehe.in every organization, indeed in every relationship one must strike a balance between sticking to rules and being a friend.it's never easy but it's promising.and may i say,MASAKIT magalit sa mga taong ka-org mo.-tish

7:28 AM  
Blogger Athens DLR said...

mahirap magkasundo kung magkakaiba ng pinanggagalingan

10:10 PM  
Blogger Tsarlz said...

tama ka riyan anne...
subalit kaya maaaring mag-usap ang mga tao ay para makahanap ng ikaw nga e middleground/commonground. hindi naman kailangang ipilit ng isa ang kaniyang paniniwala.

10:15 PM  
Anonymous Anonymous said...

besides, you can always agree to disagree.

2:39 AM  
Anonymous Anonymous said...

eiow??
ganda ng article mo

2:38 PM  
Anonymous Anonymous said...

I play in On line Casino here. Its interesting.

casino
online casino
phentermine

2:07 PM  

Post a Comment

<< Home

kinuhanang saglit

byoldal na walang kapanahunan
My Photo
Name: Charles Ramota