Sunday, February 13, 2005

Dagdag VAT: Pahirap sa Masa at mga Mag-aaral

Direktang tatamaan ng panukalang dalawampung porsiyentong dagdag sa Value-Added Tax o VAT ang mga estudyante.

Sa pag-aaral na ginawa ng Bayan Muna, lumalabas na ang pagtataas mula 10 posiyento tungo sa 12 porsyento ng VAT ay mangangahulugan ng P123.90 dagdag gastusin kada buwan para sa mga mahihirap. Bukod pa rito, 30 porsiyento naman ng mga pamilyang Pilipino ang lalong mababaon sa utang. Ang panukalang ito ay isa lamang sa walong dagdag pahirap na mga buwis na programa ni Pang. Arroyo.

Samantala, apektado ng pagtataas ng VAT ang may 79 na porsiyento ng mga industriya sa bansa na saklaw nito. Kasama sa mga sector na ito ang karamihan ng mga ginagamit sa paaralan – libro, silya, internet, tubig, kuryente, gamit panglaboratoryo, atbp. Dahil sa mga pagtaas ng mga kinakailangan para sa pagpapatakbo ng paaralan, nangangahulugan na may palusot na ang mga paaralan upang magtaas muli ng matrikula.

Mula noong taong 2000, tumaas na ng may 63 porsiyento ang matrikula sa bansa. Kung ganyan na ang pagtaas kahit walang dagdag sa VAT, paano pa kaya kung dagdagan pa ang VAT?

Batay sa Wallace Report noong Hunyo 2004, 73 porsiyento ng mga kabataan ang hindi nakapagtatapos ng kolehiyo o college drop-out. Bukod pa rito, bumababa taon-taon ang bilang ng mga enrollees.

Kung gayon, dagdag pahirap lamang sa naghihirap nang sambayanang Pilipino ang hakbang na ito ng pamahalaan. Patuloy din nitong ibabaon ang matagal nang nabubulok na sistema ng edukasyon sa bansa.

Mariing kinokondena ng Matanglawin ang panukalang pagtataas ng VAT at ang walong panukalang dagdag buwis ni Pang. Arroyo. Hindi dapat ipasa sa mga mamamayan ang paghihirap dahil sa katiwalian sa gobyerno. Hindi rin dapat ipagkait sa mga mag-aaral ang edukasyong karapatan nila!

1 Comments:

Blogger noel said...

GMA wiretap audio

Got a copy from INQ7

the links to the audio file are in

click here

3:10 PM  

Post a Comment

<< Home

kinuhanang saglit

byoldal na walang kapanahunan
My Photo
Name: Charles Ramota