kalokohan
nagkalat ngayon ang di-umano'y pag-uusap ni GMA at isang taga-comelec. sa ilalim ng batas, bawal makipag-usap ang isang kandidato sa kaninoman sa comelec lalo na ang mga opisyales nito. ang pag-uusap na ito ay na wire-tap di-umano.
sa kabilang dako, sinugod ng PNP ang San Carlos seminary upang dakipin ang nagsiwalat ng mga CD. ang kaso, wiretapping.
kung ipinahuhuli ni GMA o ng PNP ang isang tao dahil sa wiretapping, ibig sabihn ay may na wiretap ito. ibig sabihin, totoong may na wiretap na usapan. ngayon kung lehitimo ang nasa tape, hindi ko ito alam.
kung sinasabi ng malakanyang na palsipikado ang dokumento, dapat hindi wiretapping ang i-kaso kundi libelo.
kung totoo naman na may wiretapping ngang naganap, ibig sabihin, totoong nag-usap si GMA at ang taga-COMELEC (kahit anupaman ang pinag-usapan nila) na sa ilalim ng batas ay bawal nga.
subalit sa kabila ng mga intrigang ito, hindi pa rin solusyon sa kahirapan ang pagpapalit ng pangulo.
may mga ibang pamamaraan na kailangang isagawa upang tuluyang mapalaya ang sambayanang api.