LUPA, SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN: IPAGLABAN!
Isang Siglo ng Pakikibaka ng mga Magsasaka sa Hacienda Luisita
Sa simula pa lamang, hinihiling na ng libo-libong manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na ipamahagi sa kanila ang lupang kanilang binubungkal. Nais na nilang kumawala sa kinagisnan na nilang mapang-aping pyudal na sistema.
Isang Kastilang kumpanya ang dating may-ari ng Hacienda, Conpania General Tobacos de Filipinas o ang Tabacalera. Nasa pagmamay-ari ito ni Don Antonio Lopez. Ang pangalang Hacienda Luisita ay hango sa pangalan ng asawa ni Don Antonio na si Luisa.
Bago matapos ang pangungupahan ng Kastilang kumpanya sa Hacienda, nagka-interes na ang mayamang Don Jose Cojuangco, Sr. o mas kilala bilang Don Pepe Cojuangco sa Central Azucarera de Tarlac (CAT). Kasabay din nito, pinepitisyon na ng libo-libong manggagawang bukid ng Hacienda Luisita sa gobyerno na maglaan ng pondo upang makuha ang Hacienda at ipamahagi sa kanila.
Subalit nagwagi ang mayamang angkan at ipinagkait sa mga pesante ang dapat na sa kanila. Sa bisa ng Central Bank Monetary Board Resolution No. 1240, napagkalooban si Don Pepe ng isang pautang mula sa Manufacturers Trust Company of New York upang mabili ang Azucarera (CAT). Kaalinsabay nito, kailangan ding makuha ni Don Pepe ang may 6 443 ektaryang lupain ng Hacienda Luisita sa kondisyong ipamamahagi ang lupaing ito sa mga pesante matapos ang sampung taon.
Paano nabili ng mga Cojuangco ang Hacienda Luisita? Mula sa isang loan sa GSIS, nabili ni Don Pepe ang Hacienda. Kaakibat ng pautang na ito ang parehong kondisyon Central Bank na dapat ipamahagi ang lupain sa mga nangungupahan at manggagawang bukid ng Hacienda.
Kaya noong Mayo 11, 1958, napasakamay ng mga Cojuangco ang Hacienda Luisita at ang Central Azucarera de Tarlac. Kung susuriin, nakuha nila ang Hacienda mula sa mga pautang na ginawa ng gobyerno. Nakuha ng mga Cojuangco ang buong Hacienda at maging ang Azucarera ng walang ginagastos na sariling pera.
Mula sa kondisyon ng mga pautang, dapat naipamahagi na ang Hacienda sa mga pesante sa taon 1968.
Pagdating ng 1967, nagkaroon ng inquiry ang Land Authority kung naisagawa na ang pamamahagi. Ang sabi ng pamunuan ng Tadeco, ang kompanya ni Don Pepe na may hawak sa Hacienda Luisita at CAT, wala raw mga pesanteng nangungupahan doon, tanging mga manggagawang bukid lamang kaya hindi nila maipamahagi ang lupa.
Sampung taon muli ang lumipas, 1977, bago nagkaroon muli ng inquiry. Matigas pa rin ang pamunuan ng Tadeco na hindi nila maipatupad ang kondisyon sa walang kadahilanang binanggit.
Matapos ang tatlong taon, Abril 18, 1980, nagsampa ng kaso ang mga abugado ng noo’y Pangulong Marcos sa pamumuno ng Bureau of Agrarian Legal Assistance sa Manila Regional Trial Court RTC Branch XLIII (Civil Case No. 13164) laban sa Tadeco dahil sa hindi pa rin nito pagpapatupad ng mga kondisyon ng pautang.
Noong Disyembre 5, 1985, isang taon bago naging pangulo si Corazon Cojuangco-Aquino, nagbaba ng desisyon si Manila RTC Judge Bernardo Pardo. Laman ng desisyon ang pag-uutos sa Tadeco na ibigay sa Ministry of Agrarian Reform ang Hacienda Luisita at ang nauna ang siyang magpapamahagi ng lupain sa mga pesante.
Subalit ang tagumpay na ito ng mga pesante ay madaling nagapi dahil naging presidente ang anak ng mayamang Don Pepe, si Cory Aquino.
Pagkaupo ni Cory, gumawa agad siya ng bersyon niya ng agraryong panlupa, ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP o R.A. 6657).
Subalit dahil sa mga panginoong-may-lupa rin ang gumawa ng nasabing batas, mayroon itong mga kalokohang kasama tulad ng Stock Distribution Option (SDO). Sa ilalim ng SDO, hindi na kailangang ipamahagi ang lupa. Pinalalabas na isang korporasyon ang lupain na stockholders ang may-ari at ang bawat nangungupahan at manggagawang bukid. Isang pangalan ang SDO sa patuloy na mapang-aping pyudalismo.
Hanggang sa ngayon, hawak pa rin ng mga Cojuangco ang Hacienda Luisita na dapat ay noon pang 1967 naipamahagi. Patuloy pa rin silang kumikita mula sa pawis at dugo ng mga manggawang bukid nito.
Isang siglo ng pakikibaka ang kasaysayan ng Hacienda Luisita. Sa susunod mong pagbisita sa Luisita Mall, sana maisip mo na sa likod nito, libo-libong magsasaka na ang nagbuwis ng kanilang buhay para lamang makamit ang inaasam-asam nilang lupa. Lupa ang panawagan, bala ang isinasagot ng mga gahamang Cojuangco.
Mga datos mula sa Bulatlat.com