INUTIL NA SANGGU NG ATENEO
una sa lahat, tang ina official letter ng sanggu tapos si ellamae lang pala ang signatory. tang ina naman oh. basics...basics..
pangalawa, sa tingin ko, taktika ito ng admin para makumbinse ang mga estudyante. sila (admin) ay hindi pwedeng gumawa ng official stand dahil lalabas na repression ito kaya ang ginawa nila, dinaan nila through sanggu. sa mga huling pakikipag-usap ni mike sa sanggu, laging wala si ellamae. nung kausap niya ang tops ng sanggu, sinabi nila unofficially na wala naman silang nakikitang mali sa Tanganglawin. samakatwid, malamang na si ellamae lang ang may kontrang pananaw subalit ang hindi ko maintindihan, bakit siya ang nasunod? at kung titignan pa mismo, siya lamang ang signatory. may reports pa na ka-chummy nya si Intal. do you smell conspiracy?
pangatlo, anong jesuit education standards? uulitin ko, bakit ba ang tinatawag nilang "kabastusan" ng Tanganglawin lamang ang tinitira nila? kung tapat sila sa sinabi nilang "jesuit values" bakit hindi nila tugunan ang mga LEHITIMONG ISYU na ipinababatid ng Matanglawin?
Hanggang ngayon, ginagamit pa rin ang kulturang hindi scientific, mass oriented at walang materyal na basehan upang busalan ang mga dumaraing.
ewan ko, para sa'kin isang malaking kalokohan itong ginagawa ng SANGGU. sa Tanganglawin may "official stand" sila subalit sa Tuition Fee increase, oil price increase, globalization, deregulation, at mismong human rights, WALA SILANG STAND!!!
isang bulok na sistema ang nakalahad....isang inutil na institusyon ang nakikita...
importansya ng pagkakaibigan...
sa isang organisasyon, kalipunan, o kung ano pa mang kilusan, importante ang pagkakaibigan.
kapag isinailalim sa mga striktong batas at istriktong paggawa ang pagkatao ng mga kasapi sa isang organisasyon, malamang ay maging sablay ang organisasyong ito.
malamang marami ang kokontra sakin sa pahayag na ito.
hindi ko inaalis ang importansya ng mga batas sa isang kalipunan. sa kahit ano pa mang organisasyon, marapat lang talaga na may disiplina, lahat may batayan. subalit ang HINDI DAPAT mangyari ay gumalaw ang isang organisasyon batay na lamang sa kung ano ang nasasaad sa batas. ano ang ibig kong sabihin? ang mga batas ay nariyan upang gumabay lamang. hindi sila nariyan para maging mga instruksyon sa tao. ang tao ang nasa ibabaw ng batas. oo, walang silbi ang batas kung hindi isasapraktika subalit lalong hindi maganda kung gagalaw na lamang dahil may batas.
siguro malabo para sa karamihan ang pahayag kong ito. ewan ko, parang ang hirap talagang ipaliwanag.
balik tayo, bakit ko nasabing malamang ay maging sablay ang organisasyon sa ganong siste?
kawalan ng pagkatao - ito ang pinakamaling problema. sa batas, walang mga tawanan, mga ngitian, mga lungkot, mga tampo, mga bagong kaisipan, mga ideya, mga absurdong pag-iisip, mga radikal na iseya, walang pagkatao. sa pangkalahatang pananaw, tila lumalabas na pinababansot ng batas ang tao kung gaya nga ng nabanggit ko kanina, puro batas na lamang.
para sa isang organisasyon na nagtataguyod ng boses ng masang-api, importante ang mga ito. hindi kailanman dapat ihiwalay ng organisasyon ito ang kaniyang sarili sa masang pinaglilingkuran. kaakibat nito, sa loob mismo ng organisasyon dapat nakikita ang katangian na hindi dapat watak-watak ang mga kasapi. hindi dapat nagkakaroon ng gap dahil lamang sa mga alitang bungsod ng "pagsunod sa batas". ito ang dahilan kung bakit nagiging sablay. paano makikisalamuha sa masang api kung sa mga mismong kasama sa organisasyon ay hindi kayang makisalamuha dahil sa tinatawag na "propesyunal" na pagsasama?
importante pa rin ang pagkakaibigan. kung ang ikinatatakot ng iba ay parang walang mararating at puro tawanan na lang, nagkakamali kayo. para sa'kin, mas magiging produktibo ang isang organisasyon kung may pagsasama sila sa personal na nibel. isa pa, kung talagang magkakaibigan ang nasa loob, sila-sila rin ang magwawasto ng kanilang mga sarili sa halip na kunsintihin ang bawat isa. gugustuhin ng isang tunay na kaibigan na maging mas mabuti ang kaibigan niya.
bukas sa inoyng mga komento ang pahayag na ito.
pagkabuhay na mag-uli
naku!!! halos anim na buwan na palang hindi nagagalaw ang blog ko. kayraming naganap, kayraming hindi naisatitik.
sana maayos ko nang muli ito. nakikinita ko na ang pagkabuhay muli ng blog ko.
|
|
kinuhanang
saglit
byoldal
na walang kapanahunan
|